The Journal.


Ang Dyornal ni Sandra

Entry 13

May 22, 20xx


Swear. Sobraaaaaaaaang nakakainis ang araw na ito! Ang sarap... Argh! Sana panaginip lang! Sana... Sana... Sana... Sheeeeems. 

--

Enrollment Day.

This day WAS supposed to be fun. Why? Makikita ko na ulit ang mga kaibigan ko! Grabe. Buong summer hindi ko sila nakita. Not even a glimpse!

As I was saying, dapat nga masaya tong araw na 'to. Dapat naman talaga eh. Until a text message was sent to me. Akala ko nagbibiro lang yung kaibigan ko sa sinabi niya na di na niya kaklase yung isa ko pang kaibigan. I mean, what the? Paano mangyayari yun eh ang taas ng grades ng dalawang yun. Wala man lang failing grade tapos magkakahiwalay sila?! Pagkareceive ko nung text message naligo and nagayos na ako kaagad then I'm off to school.

AT DUN NGA TULUYANG GUMUHO ANG MGA PANGARAP KO.

lol. OA na yun. 

DOON NASIRA ANG ARAW KO.

Bakit kamo? Fudge naman kasi to the 33th power eh. Shuffled kami! Basta. Pinaghiwahiwalay kaming magkakaibigan. Ay hindi. Kami pala yung nahiwalay. Tapos may kaklase pa akong taong ayaw na ayaw ko. Grabe lang. Arrrrgh.
Alam mo kasi yung feeling na yun. The ef. Basta yun na yun. The Fudge. 





Entry 12
April 11, 20xx



This thing happened a few days ago. 

Ngayon ko lang 'to ikwkwento dahil ngayon ko lang din natripang ikwento so wala kayong magagawa. Diba? And yep, that's what I thought. -_-

Here goes my story. 
**
April 08, 20xx

The day after we had our outing with my dad and my dad's barkada. Eto din ang kagimbal gimbal na araw kung saan nalaman ko na pinsan ko pala ang isa sa pitong summer crushes ko (for now)- baby, babe, honey, hubby, sweety, hun, bhe-at siya si bhe. Akalain mo yun? Pinsan ko pala ang gwapong ugok na yun! Nakakainis! Curse it. -_- Wag mo akong pagtawanan, sapakin kita diyan eh. -_- Ay basta nakakainis. Tsk. Akala ko pa naman good shot na ako sa family niya dahil friends ang mga tatay namin. Tapos... Tapos... Tapos... Arggh! -_____- Alam mo yung ganung feeling?! Bakit ba kasi ang gaganda at gugwapo ng lahi namin?! Unfair! >____< at ito din yung araw kung saan nagising ako sa isang panaginip..

Isang nakakakilabot na panaginip. Bakit? 

Eh pano ba naman kasi, may asawa na daw ako! May bonus pa may anak din ako! -_- Sino ba namang hindi kikilabutan dito! I'm just a HS student. For goodness sake! Argh. Let me tell what happened. (based on what I still remember.) At swear, magulo to. 


**
Nagising ako. Teka, nasa hospital ako. Tama, hospital nga. Napatingin ako sa paligid ko. Nandito ang parents ko. May lalaki ding nakaupo malapit sa bed ko at isang batang lalaki. Teka, sino ba to? Tapos biglang nagsalita yung bata. Sabi, "mama." gulat na gulat naman akong napatingin sa kanila. At dun nga nila sinabing anak ko sya. Wth, may anak na ako. Paano nangyari yun?! O.o

(CHANGE SETTING.)

<Eto na lang talaga ang naaalala ko. Swear.>

Ewan, nasa kwarto yata kaming dalawa. Nung lalaking nasa hospital din at napagalaman ko ngang asawa ko. The eff, may asawa na ako. 
"Paano ba tayo nagkaroon ng anak? " Tanong ko. The F lang ha? Nagaaral pa ako!
"Birthday ng tita mo nun. May party. Nalasing tayo at yun." 
Okay. Alam ko na. 
"Mahal mo ba ako?"
Hindi siya sumagot. Ewan. Basta di siya sumagot! -_-
"Oh nandito ka lang sa tabi ko dahil nanay ako ng anak mo?" <Oo, alam ko ang drama!>
"Ganun na nga." 
Okay. Ganun nga. Okay lang. 

(CHANGE SETTING.)

SM.

Kasama ko anak ko sa SM ngayon para mamasyal. Hindi ko siya buhat buhat dahil nakakapaglakad na siya. Oo, lakad na. 2 or 3 years old na yata to. Habang nasa entrace kami at chinecheck ang bag ko ay may napansin akong lalaking kahina'hinala? Basta. Naka all black siya. Mahaba ang buhok at moreno. Nakasabay pa namin siya sa paglalakad at may narinig pa ako. Parang may kausap siya sa phone at may sinasabi about sa pagholdap ng mall na to. Pero di ko na pinansin. 

Namasyal kami ng anak ko. Basta ang saya. Ang saya saya. <di ko na po maalala ang nangyari diyan. Dyahe nga eh.>

Nang maramdaman kong kailangan kong magcr. Naiihi na kasi ako. Papasok na sana ako sa cr with my son pero may nakita ako. Nakita ko sa loob ng cr na nandun yung lalaking naka'all black kanina at nanghoholdap. Natakot naman ako kaya dali dali kong binuhat ang anak ko palabas ng mall. Thank God dahil nakalabas ako! Naglalakad kami sa overpass para pumunta sa sakayan ng jeep pero biglang umulan. Kaya naman naghanap ako kagad ng bimpo at kagad kong nilagay sa ulo ng anak ko. 

(CHANGE SETTING.)

Pagkauwi namin ay agad akong nagdoorbell sa bahay namin. Kaagad naman yun binuksan ng asawa ko. Pagkakita ko sa kanya ay kaagad ko siyang niyakap at umiyak. Takot na takot ako. Kinuwento ko yung nangyari sa mall. Niyakap niya din ako.


**
May sinabi pa siya diyan pero di ko na maalala! Solid. Tsaka ang alam ko di pa nagtatapos yan diyan! Hahaha. At sa mga nagtatanong kung napano po yung anak ko, di ko alam dahil di ko na talaga maalala! Basta kinuwento ko to sa kaibigan ko. At ang sabi niya, hahanapin daw namin ang boy of dreams. Korny. -_- Pinadescribe niya sa akin yung asawa ko daw at putek lang dahil wala akong maalala sa kanya. Ang naaalala ko lang ay matangkad siya at sexy back! Wag mo siyang pagnasaan dahil akin lang siya! Tse! So yun nga, ang sabi pa ng kaibigan ko ay baka si Justin Timberlake daw ang asawa ko. Duh! Haha. Tutulungan niya daw akong hanapin to at magddownload pa siya ng kantang sexy back sa cellphone niya para may background music daw kami habang naghahanap. Ang adik talaga! Hahaha!

Pero di ba nakakakilabot naman talaga? Ako? May asawa na di ako mahal? May anak pa ako? C'mon that hurts like hell. -_-

So yun nga. Kung sino ka man, umayos ka at magpakika na. F lang. -_-

PS. 
      Pero mas weird at creepy yata na yung mamang nangholdap sa SM naaalala ko yung mukha pero yung asawa ko hindi na. Brrr. O.o







ENTRY 11
April 10, 20xx




Maglalabas muna ako ng sama ng loob ha? 

If guys could just feel what I feel right now. I am so pissed. Freakn pissed. I hate them. I super  hate them. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya dito ko nalang ibubuhos to. I don't wanna cuss around and especially I really don't want to cry. EF these tears. They're coming out even I don't want to. I really need I friend right now. All of thm are just laughing at me. Kung akala nila isa tong childish reason I don't care. Hindi kasi nila alam kung gaano to kaimportante sa akin. Hearing them all laugh makes me wanna die. Die because of pain and embarassmeent. I hate them. They all treat me as a joke. Wala silang pakealam sa nararamdaman ko. I never felt na proud sila sa akin. They just thought na I am a big irresponsible girl. A lazy one. Yung babaeng kapag hindi naging mayaman walang kinabukasan. They always say those stuffs everytime na magkakamali ako. They're so unfair. Very unfair. 







ENTRY 10

March 19, 20xx



Papunta kaming Manila ngayon. Di ko alam kung bakit. Aalis na yata yung pinapatira namin sa bahay namin dun kaya ihahandover daw sa amin yung susi. Aish. Idk and Idrc. -_- Basta ako, sumama para sa dalawang rason: 1) Ayoko sa bahay. Nakakaboring dun. Lagi nalang akong nandun. 2) Gusto kong manood ng cable! Wala kasi kaming cable dun sa bahay namin. Tinanggal kasi nila. -_- 

Kasalukuyan akong nakasakay sa bus ngayon. Oo, bus. Hindi kami nakakotse dahil di naman namin kasama yung tatay ko dahil may trabaho pa siya. So, yun nga. Wala kming driver. Hassle nga magcommute eh. Kaya naman atat na atat na akong matutong magdrive at magkakotse. Ang saya siguro nun! :) 

Eto namang mga katabi ko sa bus. Parehong tulog. Medyo puno kasi kanina yung bus kaya nagkahiwahiwalay kami ng seats ng nanay at mga kapatid ko. Iniisip ko tuloy, bakit hindi nalang kasing age ko yung nakatabi ko diba?! Edi sana. Baka sakaling nagkalovelife pa ako. Lang kwenta! -.- Bakit ko ba kasi iniisip tong pesteng lovelife na 'to?! Wala naman tong kakwenta kwenta. 

LOVELIFE? Psh. Wala nga kasing kwenta yan! Buset! Puro perwisyo lang dala niyan! Hindi ako bitter ah? Hindi talaga! Pero kasi, ano bang silbi niyan? Mas masaya kaya kung wala yan. Wala kang iniisip! Nakakastress lang yan! Oo! Sa una masaya yan! Eh sa huli? Iiyak ka lang din with matching uhog pa! Papanget ka pa! Tsktsk. Magkakapimples dahil puyat ka tuwing nagtatawagan kayo sa gabi at umaabot pa ng madaling araw! Mauubos din ang pera mo tuwing kailangan mong bumili ng regalo kapag- a) monthsary b) birthday c) pasko at kung ano ano pang special holidays! Kailangan bongga yung sayo kase boyfriend/ girlfriend ka! Ubos laman ng wallet isama mo pa bulsa mo dre! Tsktsk. Tapos magiging katawa tawa pa kayo dahil sa mga pesteng tawagan na yan! Love? Babe? Baby? Honey? Cookie? Cupcake? Chocopie? Bukopie? Ano ka? Pagkain?! Eww lang ha. Please! Kahiya hiya yan! Have some mercy to yourself! Maawa ka naman! Kahit konting kahihiyan bigyan mo yang sarili mo. Gosh. -_-" Tapos ano pa ba? Makakasira yan ng focus sa pag-aaral! Siyempre kapag nagkaLQ kayo, di maiiwasan yan! Iisipin mo siya at hindi ka na makakapagreview. Bagsak. -_-

Lovelife? Di naman makakain yan. Di ka mabubusog diyan. So why bothering thinking about it? C'mon. That's nonsense.



 ENTRY 09

March 14, 20xx



Unang una sa lahat nagsulat ako dito sa journal na to hindi para ikwento ang mga nangyari sa  napakawalang kwentang araw ko ngayon. -_____- Pinapapasok pa kasi kami eh wala naman kaming gagawin sa school kundi matulog. Bawal pa buksan yung aircon dahil galit sa amin yung adviser namin. -_- Tokneneng yan o. -___-

So nagsulat ako sayo ngayon dahil sobrang bored na talaga ako dito sa classroom namin. Lahat sila may kanya kanyang ginagawa. Ako wala nang magawa. -_- Lowbat pa ako. Ef. Ah basta. Magsusummer na pero bakit ganon? HA? Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ng kaibigan ko. "Sandra. Ngayong third year yata tayo wala akong nababalitaang lovelife mo?" Oo. Tama siya. Naisip ko tuloy. Bakit nga ba wala? May itsura naman ako, matangkad. Pero bakit wala?

BAKIT WALA. Pareho din yan sa BAKIT DI NALANG AKO? Sa pag-ibig kasi di mawawala ang dalawang pangunahing tauhan. Ang 'nagmamahal' at ang 'minamahal'. Tulad nga ng sabi nila: "Ang sarap kapag mahal ka din ng taong mahal mo." Ang tanong: ANONG LASA? de, joke. Oo, masaya talaga yun. Masarap sa pakiramdam. Kasi nga mahal ka din niya. Di ka umaasa at di ka nahihirapan pa. Pero parang may nakakalimutan yata silang isa pang tauhan. Sino? Kung may nagmamahal may minamahal. At kung may minamahal syempre may nagmamahal. Pero kung titignan nating mabuti.. Hindi mawawala yung tauhang 'umaasa'. Siya yung nagmamahal sayo ng palihim. Yung nagmamahal sayo ng who knows kung gaano kalalim. Sila rin yung mga taong nasasaktan ng patago. At minsan sila din yung mga taong nagmamahal sayo ng higit pa sa pagmamahal sayo ng minamahal mo. Gets ba? Ay basta. Para sa akin, idol ko yung mga taong yan. Yung mga nagmamahal ng palihim? Di naman sa torpe sila dahil di nila magawang sabihin sayo yung tunay nilang nadarama, kundi ayaw lang nilang makasira. Makasira ng ano? Relasyon at higit sa lahat the classic: FRIENDSHIP. Sila yung mga taong gagawin ang lahat wag ka lang makitang umiiyak at nasasaktan. Mga taong nagseselos kahit wala silang karapatan. Mga taong ngiti mo lang buo na araw nila. Mga taong sabihan mo lang ng 'hi.' masaya na. At sila yung mga taong handang saluhin ka kapag di mo na kaya. Magulo kase tayong mga tao eh. Kung sino pa yung gusto mo siya pa yung nananakit sa iyo. Eh pwede namang lumingon at tumigin tingin. Makikita mo siya. Di man siguro sila kasing ganda ng taong mahal mo pero siguro mas mahal ka nila at mas totoo.

Pero wala eh. Di kasi natuturuan kaagad ang puso ng tao. Kung pwede lang sana yun edi sana wala nang mga tauhang umaasa? Edi masaya. Pero alam o yung pinakamasakit sa part nila? Yun yung lokohin sila, pagmukhaing t*nga at itake advantage ang pagmamahal nila. Kase dahil dun? Minsan dahil dun nagsisimula ang pagbabago nila at pati na rin ang feelings nila. Sayang. Trust me. Sayang talaga. :)

Siguro may mga mali pa diyan sa mga sinulat ko sayo. Siguro mas malalaman ko pa habang tumatanda ako. Kase sa ngayon? Sa murang edad kong 'to? Yan palang ang alam ko. :)


"SIMULA NANG MAGMAHAL KA, DUN KA DI NAGKAROON NG KARAPATANG MASAKTAN."

ENTRY 08

March 11, 20xx



Peste. That's my word for my very dull day. I don't effin care kung anong nang tingin mo sa akin dahil sa mga pinagsusulat ko dito. I DON'T CARE.

Badtrip ako. Pest talaga yan eh. Kelan ba ako hindi nabadtrip? Ef. I hate this. 

--

Papasok sa school ng walang ginawa. Ahhh. Buset. -____- Masaya sana eh kaso bawal ang gadgets! Padge! Anong gagawin namin dun?! Magbabasa ng mga HARD-BOUND books?! Shakes. Manahimik ka. Matino tino pa ako para di gawin yun. Basahin mo magisa mo. -_- 

Masaya na sana kung wala talagang pumasok na teacher eh. Kaso meron. MERON! At kung di nga naman talaga peste oo! English teacher ang pumasok at sinermunan nanananananaman kami. *sigh* Di na tumigil. Sa bahay sinesermonan na nga ako pati ba naman sa school?! Oh c'mon! You kidding?! Ef. Pagkatapos kaming sermunan ay sasabihing may test kami bukas. -_____- Uhh, Hello? 1 week nalang ang pasok magtetest pa kami? Hell-O? -_-" 

Di pa natatapos yan diyan. Yun ang akala ko. Akala ko ONE WEEK nalang ang pasok namin pero may pasok pa daw next week. I was like.. The heck?! -_- Hanggang 22 pa daw ang pasok namin WHILE ang graduation ng seniors ay sa 18 na. Talagang nagbibiro tong si ma'am eh. Layuan niyo ako baka makasapak ako ng tao. -_______-

ONE MORE THING: 
                   Dun sa mga papasok next week para sa baon KUNO. Tss. Duh? Magagastos niyo din yan. Wala kayong gagawin sa school tapos magugutom lang kayo. Uhh. Duh-uhh? 


PUMASOK KANG MAG-ISA MO. 


PESTE. 





ENTRY  07

March 03, 20xx


OO ALAM KO. MATAGAL NA AKONG DI NAGSUSULAT SA JOURNAL NA 'TO. MAAARI MO NA AKONG PATAYIN. THE END.


Okay. Wag kang OA. Biro lang yun kahit di halata. Masyado lang talaga akong busy nitong mga nakaraang araw. Buong February yata ay busy ako. Oo, kahit tamad akong tao ay nagiging busy din naman ako. Excuse me lang ha. -_- Kaya ang gagawin ko ngayon sayo ay ikwekwento ko ang buong nangyari sa akin sa month ng February. Ofcourse, hindi detailed. Asa ka. Papahirapan mo pa ang brain cells ko. Yung mga naaalala ko lang and may halaga sa buhay ko. Oh well.. Wag ka nang maarte. -_-

--

FEBRUARY 02, 20xx

THE CARD'S OUT DAY. Eto. Etong araw na 'to ay nakakabanas. Ganito kasi yun before the day ng kuhaan ng card namin ay nagkaroon ng announcement ng ranking sa klase namin yung adviser namin. And guess what?! Ako ang rank 4! Oh debuhh? May utak din to no! Kaso lang. KASO LANG tentative pa raw yun dahil wala pa ang grade namin sa Values Education. Nabother naman ako sa nalaman ko dahil baka bigla akong bumaba. Nung mga time pa na yun ako nagkaroon ng pagdududa kung may Values ba talaga ako na tinatawag sa katawan. At pagdating ng card's out.. BOOM! rank 5 nalang ang beauty ko. Ang saya diba? PAASA. Yan na nga ba ang sinasabi ko kung bakit ayaw na ayaw ko ang umaasa eh. Masakit. Masakit talaga. At ang mas masakit? 89.63 ang average habang yung nakatalo sa akin ay 89.66. Oh diba? Nakakaasar. So wala pala akong values ganon? Ganon nalang yun?! 

Di lang yan ang nakakabanas na nangyari sa araw na ito. Dahil nga akala ko ay makikita ko si crush sa school kaya todo porma ako. Pinuri pa nga ako ng mga kaklase kong nakakita sa akin. Nagheels pa ako. Pero ang masaklap? Wala yung crush ko. Di pumunta. Wow. Strike 2. Disappointed much. Potek na card's out yan. Minsan na nga lang ako pumunta ganito pa ang nangyari. And guess what happened next?! Pumunta kami ng nanay ko sa town para puntahan ang dentist. Masaklap dun, nakaheels nga ako. You know what happened next right? Okay fine. Nagkapaltos ako. If you don't know what I mean. I don't freakin' care. Naiinis pa din ako hanggang ngayon. Ef. Buset na heels yan. Pahamak.


FEBRUARY 14, 20xx

Ang di nakakaalam ng kung anong meron ngayong araw na 'to. Utut mo. Sapakin kita diyan eh. With matching balibag. You like?! Tss. So today is Valentines Day. Kung bitter ka Happy Thursday mo mukha mo. Manigas ka. Duh. Arte. And most of all, today is my BIRTHDAY.

Oh? Gulat ka? Bawal ba akong ipanganak ngayong araw na 'to?! Pssh. So yun nga araw ko ngayon so back off haters. Masaya ang umpisa ng araw kong to. Maaga akong nagising. Excited eh. May magagawa ka? Wala di ba? That's what I thought. First subject. Pinatawag ang crush ko. Okay inhale exhale. KYAAAAAAAAAH! Oo, kinikilig ako! Bruha ka! Kinikilig ako! Oh yes. Mainggit ka ples! Yeaaah. Haha. Nahawakan ko ang kamay niya. Nakausap ko siya. Nagkaroon kamin ng picture na magkasama. Okay. Sabi nga ng mga kaklase ko, tiba tiba daw ako. Oh puh'leassse!  I know right?! Bwahahaha! After that binigyan naman ako ng gifts ng ilan kong mga kaklase. :) So touching dahil di ko ineexpect na bibigyan nila ako. May nagbigay sa akin ng dalawang hersheys at kisses. Oh diba. Chocolate! Bwahaha! Tapos binigyan naman ako ng 2 kong kaibigan ng tig'iisang red rose. Anong akala mo? Ganun ako kachaka para di bigyan ng gift?! Pssh. Eh birthday ko nga eh. Ah basta. Sinurprise pa ako ng mga kaibigan ko ng sandamakmak na cucakes at sinta! Kung alam mo kung ano ang tinutukoy kong sinta ay magsaya ka! Haha. Basta yun! Nakakaflatter talaga. Grabe. Wag ka nang kumontra. Masaya ako. Oo. 

Pero siyempre kung may saya di mawawala ang lungkot. Di ba? Eh kaso di naman lungkot ang naramdaman ko ngayon. Kundi banas. Pagkaasar. Ampupu. Bakit kamo? Kase naman no birthday na birthday ko may iiyak na tao! Tapos ang dahilan dahil wala siyang natanggap na regalo ngayong valentines?! Aba aba. Wag feeler. :) May ineexpect? Tapos sabay deny? Tsk. Naiingit daw sa akin. 4 words for you dear. :)) HELLO?! IT'S MY BIRTHDAY! Natural may magbibgay sa akin! Tssk. Please have some better reasons dear. Kung iiyak ka lang dahil wala kang magawa sa buhay, pwede namang tumawa diba? Sasayangin mo lang ang luha mo sa walang kwentang bagay. Material gifts? That's nothing. Mas importante pa din yung pakiramdam na there are people that cares for you. Be contented. Wag ka nang maghanap ng wala ka. Uulitin ko nanaman. Wag ka nang magassume. Masasaktan ka lang. Masasaktan ka lang. 

Another reason ng pagiging maligaya ng aking kaarawan ay yung binigyan ng bulaklak ang kaklase ko. [I've mentioned her here before. :)  Name's not stated.] Hindi lang yun! Binigyan siya ng bulaklak ng mismong crush niya! Potek. Bigtime! Haha. Buti pa syaaaa. Anyway so yun nga. First time ko siyang makitang kinikilig. Promise. As in with matching sigaw pa! Di niya ineexpect eh. Sobra. And me, being the most supportive friend ever (pinuri ang sarili) ay siyempre masaya para sa kanya! Hey J, CONGRATULATIONS! Best Valentines ever eh? :)) 

To end this stuff, I wanna thank all the people that shared this day with me. And siyempre dun sa nagbigay sa akin ng gifts. :> Dun sa umiyak.... NEVERMIND. -_-


February 20, 20xx


Birthday ngayon ng kaibigan ko. Kabarkada ko. Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Masaya na kinakabahan. Pagkatapos kasi nung nangyari sa *ehem* past, di na kami nagpapansinan. Even a single word. So yun nga. Pero nakamove on na ako ah! Wag ka. -________-

Di ko na ikwekwento ang nangyari sa past na yun dahil masyado nang makaluma. Masasabi ko naman na masaya tong araw na to. Hahaha. Ito na yata yung pinakalate kong uwi na galing libot. 9 PM. Duhh. Minor palang kaya ako. Pssh. Pero wag ka ulit, nagpasundo naman ako. 

Eto pa mahirap diyan eh. Nagkwento yung nanay niya ng tungkol sa *ehem* namin. Kaya naman pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse tinanong kaagad ako ng tatay ko. Burn men! Nakakainis! Sinabi nang ang tagal tagal tagal tagal na nun eh! Wag na ngang pag-usapan. -_-

THINGS I'VE REALIZED TODAY:

1. Ang ganda ng girlfriend niya.
2. Ang gwapo nung bisita niya. (Oo! Ivan yata pangalan eh. Nevahmind! -_-)
3. Corny ang bestfiend ko at ang boyfriend niya. (Matagal ko na talagang alam to.)
4. Ang ganda ko pa din. (Kumontra may pigsa sa kilikili.-_-)
5. Ang ganda ko talaga. (Kumontra may pigsa sa dalawang kilikili niya. -u-)
6. LAST BUT NOT THE LEAST. Ako nalang walang LOVELIFE sa barkada. Burn. Buset. -_- Author umayos ka. Umayos ka. -__-


PRESENT TIME:

MALAPIT NA PROM! OO! NATULOY NA! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! BEAT THAT MAAARTENG KUNWARI PANG AYAW NG PROM PERO MAS EXCITED PA SA AKIN! SINONG NILOKO NIYO?! HALA SIGE WAG KAYONG UMATTEND! ARTE! EWAN KO SA'YO! 

YAN LANG NAAALALA KO SA BUONG MONTH NG FEBRUARY EH. SO WALA KANG MAGAGAWA. WAG KA NANG MAARTE. MAGSUSULAT NALANG ULIT AKO DITO. PAG MAY TIME SIYEMPRE. I, THANK YOU.





Entry 06
January 30, 20xx



WALANG PASOK NGAYON. K. FINE. BOREDOM ALL OVER MY BODY. DI MAKAGALA DAHIL SA MGA KAPATID KO. WALA KASI PARENTS NAMIN KAYA GANUN. NASA MANILA. OH JUST WHATEVER. SO, JUST YOU KNOW.. I’M FINISHING A BOOK NOW. YUNG HINIRAM KO SA FRIEND KO LAST LAST WEEK. KINATAMARAN KO NA KASING BASAHIN EH DAHIL NAGUGULUHAN AKO SA STORY. PAIBA-IBA NG TIMELINE. SO THAT’S WHY UMABOT NG GANITO KATAGAL PAGBABASA KO. MY FRIENDS ARE SAYING NA I AM SUCH A FAST READER DAW. BUT NOT WITH THIS BOOK. KAPAG KASI NAWAWALA INTERES KO SA STORY KINATATAMARAN KO EH.  PERO KERI LANG. TATAPUSIN KO PA DIN. FOR THE SAKE OF MY FRIEND.


BAKIT ALL CAPS TO? BAKIT BA? BORED AKO EH. TRIP KO MAG-ALL CAPS. WALANG MAGAWA. ARRRRRGH. I WANNA GO TO THE MALL BUT I CAN’T! THIS SUCKS. DI NA MUNA AKO MAGDRADRAMA AND SAY NONSENSE THINGS DAHIL TINATAMAD NGA AKO. I, THANK YOU.

ONE MORE THING. I MISS THEM. I MISS HIM. YOU KNOW WHAT? KAPAG PUMIPIKIT AKO MINSAN, NAKIKITA KO SIYA AT PARA AKONG SHUNGA NA NGINGITI MAG-ISA. SERIOUSLY. BAKA MAPANSIN AKO NG MGA KASAMA AKO SA BAHAY AT MALAKING ISSUE YUN. BAKA BUKAS, MAKALAWA, NASA PSYCHIATRIST NA AKO. HALA.



P.S AGAIN (SENSYA NABANA)
                NA-LSS AKO SA KANTANG TITANIUM. ^_________^ ♫I’M BULLETPROOF NOTHING TO LOSE. FIRE AWAY. FIRE AWAY. ♫


  


Entry 05
January 29, 20xx

Bongga. Inaraw-araw ko ang pag-uupdate sayo ah. Haha. Wala kasi akong magawa eh. As usual, tinatamad ako. What’s new about that ? Wag ka nang magulat. Tss. You know what? Walang pasok bukaaaaaas! Huuurraaay! Hahaha. Wala lang. No homeworks eh. Stress free tomorrow! Yay! Wait. Let me share you something, I was browsing some photos in my own folder in our laptop when suddenly THIS picture caught my attention :






Haha. IDK when I downloaded this picture. I don’t even know why this kind of pic. caught my attention. At di ko alam na may ganyan pala akong nadownload na picture before. Ako? Affected ? Yeah maybe. But in a different way. Haha. Why don’t we start this kwento for the day thingy para malaman mo bakit? J
--

Okay so. What do you think I’m gonna tell you this day ? Hm. To tell you frankly wala namang masyadong nangyari ngayo except sa….  okay okay ? Magkwekwento na ako. *sighed in defeat* -_- Kapapasok ko palang sa school ay halos  kalahati or more than half ang gumagawa ng assignment namin sa AP. Add me there kasi di ko pa din tapos yung assignment kong ideolohiya ideolohiya whatever. Duh, I don’t even know what’s that. Pssh. So yun nga . As much as I don’t want to do it ay kailangan dahil no choice ako. I’m just a student ! Psh. Luckily ay wala yung teacher namin sa first period. Kaya ginawa ko yun and at the same time gumagawa ng slogan ang group namin. Do I really need to be detailed? Whatever. Tss. So yun nga, lumipas ang mga oras at nagpractice nanaman kami ng Noli. Natapos na ang buong novel ay isa lang yata ang dialog ko. Pssh. ‘Telegrama para kay Senior Ibarra.’ sabay abot ng papel na kunwaring letter. Pssh. Ganda no ? Hahaha. Pero may advantage din naman yun dahil magkakaroon kami ng quiz na tungkol sa lines namin. Lucky me. Haha.

After our tutorial sessions namin sa Math, I saw may classmate flipping some pages of her math notebook. Then something caught my attention. (Ayan nanaman tayo sa caught caught eh.) Diba yung Math notebook ay may lines? Yung green na makakagawa ng small squares? So yun nga. Parang flag ng racing compet. Get’s mo? Yung black and white? Basta yun. Namangha naman daw ako kaya ginaya ko. May plano pala siyang punuin yung buong page na yun. ‘Yan. Pinakita mo pa kasi sakin. Haha.’ She told me na parang tempted tapusin yung page. I really like this girl. She seems so nice. Anyways, habang ginagawa ko yun sa notebook kong napakalaki, nakita naman ako ng seatmate/close friend ko (na nagtatampo dahil ayaw ko daw siyang maging bestfriend. Spell duh? Eh may bestfriend na siya eh! DUH.) . Then she suddenly told me, oh let me scratch that, parang she commanded me (in a nice way. With those ‘please’, ‘pretty please’ and ‘puppy eyes’ stuff -_-) na igawa niya ako ng ganun na pangalan ng crush niya.  And I was like, WHAT?! NAGBIBIRO KA BA?! PINAGHIHIRAPAN KO TO OH! TAPOS MAGPAPAGAWA KA? Are you trying to make me laugh? Pero siyempre dahil good girl ako ay pumayag ako but in a sarcastic tone na parang di niya man lang napansin. Pssh. Manhid. Dapat kasi, matuto ding mahiya. Wag yung umaasa sa iba. Paano kung tanggihan ka? Edi madidisappoint ka? Tapos sino magmumukhang masama? Siya? Know your limits. It’s okay to ask a favor from somebody pero know how to consider their feelings too. Di kami robot, di namin kayang gawin kaagad yung mga favor niyo so please.. Please. Hihingi ka nalang din ng favor in a VERY nice way naman. Di yung, ‘I need it now. As in now.’ Right? Are you gettin’ me? Any bells ringing? Good.

So about dun sa picture na pinakita ko kanina and the reason why it caught my attention kasi kanina. I was with my friends. We’re eating our lunch sa cafeteria . Magkahiwalay kami ng table kasi di kami kasya. So magkasama kaming dalawa ng friend ko sa table. When suddenly! Dumating din yung crush ko with his friends. Nakiupo sila sa table namin kasi may vacant seat pa naman dun for 2 or 3 persons. Nakatayo yung crush ko dahil di na siya kasya. Ako naman tong si pakipot ay di siya pinapansin. Dalagang Filipina eh. Weh? Haha. So yun nga walang pansinan. Natapos na kaming kumain nang lumapit siya sa mga friends ko and said something na nakapagpabother sa akin. May gusto ba siya sa kaibigan ko? Patay. Bumalik na kami sa room na medyo uneasy ang pakiramdam ko. Di naman ako napansin ng mga kaibigan ko and I honestly don’t know why. Pagkapasok naming sa room ay nagkwento kaagad ako sa iba kong friends including my so-called-soon-to-be-bestfriend na yun nga. May ganun na nangyari. Suportado naman nila ako eh. Parang napansin kasi nila na medyo wala ako sa sarili kaya ganun. Haha. I’m thankful. And I love them. Haha. About sa picture? There’s one time kasi na kumakanta ako and I saw him looking at me. Nung nakita ko siya, he looked away and pareho kaming napangiti. At dun na nga ako nagsimulang malito. Ano ba talaga? May chance ba ako o wala? He’s giving me signs and napapansin din yun ng mga kaibigan ko. Pero I am really confused. Malobo kasi eh. Kasing labo niya. Mahirap. Sobrang hirap kasing umasa.
Isa lang naman ang lagi kong inaalala these past few days. Di na ‘to pwedeng malaman ng iba. Kasi gulo ‘to. Malaking gulo kung saka’sakali. Malaking gulo.



P.S
                About dun sa kanta kanta part? Yung kumakanta ako. Please ignore nalang na kumakanta ako nung time na yun. Dahil trust me. You don’t want to hear me sing. I warned you.







Entry 04

January 28, 20xx



At dahil nga medyo sinipag ako ngayon ay makakapagsulat ako sa iyo. Oh di ba bongga? Nakabase kasi yan sa mood at spare time ko. Pero kung tinatamad talaga ako despite na may free time naman akong magsulat sayo, sorry ka. Laziness wins over you. Ganyan naman lagi eh. Part naman ng pagiging teenager ang pagiging tamad. Normal yan, wag kang mag-alala. At kung tinaguriang abnormal yang katamaran mo, madami tayo. Di ka nagiisa! 

Tulad ngayong araw na ito. MOODY ako. Sobrang moody. Aakalain mo nang may sira ang ulo ko. Bakit? Masaya-Senti-Badtrip-Kinikilig-Masaya. Oh diba? Tindi niyan. At kahit ako mismo naiirita sa sarili ko. Weird ba? 

At dahil wala na akong masabi ay magkwekwento na ako tungkol sa araw na ito. 

--


Masaya akong pumasok ngayong araw na ito. Bakit? Dahil di na ako late! Can you believe it? Haha. Oh well, takot ko lang malate no. Baka mapass out pa ako sa napakagandang school namin. Ayaw ko naman yun at sino ba may gusto nun? Ikaw? Sige. Mag-isa ka. -______- Pagkapasok ay nagreview na kaagad ako. Tapos biglang dumating si crush!! 


Tenenenen! 



DI NIYA AKO PINANSIN. </////3 K. Fine. Bakit niya nga ba ako papansinin?! Close ba kami? Ugggh. This sucks. Kaya sa mga may crush diyan. Wag assuming okay? Para di nasasaktan. Assuming may lead to Disappointment darling. Masakit yun. Believe me. Kung ayaw mo maniwala, bahala ka. Lagi ko ngang sinasabi. I'm not against your opinion. Diyan ka masaya eh. Tignan mo nalang kung sino talaga ang tama. Kung ididiscribe ko ang sarili ko sa iyo ngayon, ito siguro ang sasabihin ko: "Sandra- a tall slim girl who does nothing but to be bitter and observant around her environment." That's me. Halos lahat yata napapansin ko. Ultimo ang pagkukulangot ng ibang tao ay napapansin ko. IDK why I'm like that. Who knows? Me? I don't even know either. At kung di mo matanggap kung  sino ako, just close this freakin' journal and go back to your own nonsense business. Yun lang. Ganon lang kasimple. Right? I don't need you to like me. Are you my parents? My bestfriend? Nobody has the right yo judge me nor to jugde you. That's who you are. Chin up and show the world the real you. Don't live in pretending. Bakit ka naman magkukunwari? Para matanggap ka ng mga kaibigan mo? Tch. Kung di ka nila matanggap, di sila tunay na kaibigan. Wag kang magtiyatiyaga sa mga ganyan. Di ka masaya diba? Patalsikin sa buhay. Sabi nga nila, 'Build Friendship Not Friends." Gets mo? Good. Kung hindi, ewan ko sayo.

Kaninang umaga din ay nagcha-cha kami. Kahihiyan di ba? Di ko alam kung bakit kailangan pa yun dahil di naman halos sumasayaw ang iba sa amin. Psh. Para maging lively ang flag? Naahh. Don't think so. Wala namang naitulong eh. Ah basta. Ewan. -______-

--

12:28 PM (Sinulat ko kanina at ikwekwento ko din sa iyo)

Ef. I don't know how to describe this day starting with this particular time. Sobra akong badtrip. Promise. Alam mo yung feeling na  sobra na eh. Sobra na. Yung gusto ko nalang magbreak down and such. Shakes. I hate it. At habang sinusulat ko 'to ay kumakanta ang mga classmate ko. Sinasabayan pa yata nila yung mood ko. Nice. Background music. MV ang peg. Tsk. Kung susubukan mong pumasok dito sa room namin ngayon ay makikita mong grupo-grupo ang mga students at ako ang nag-iisang walang kausap. Oh diba astigin? Keri lang. Eto ang ayaw ko sa nobela ng buhay ko eh. Di ko alam kung sino ba talaga yung mga tunay na kaibigan ko. I mean, meron naman siguro totoo pero yung pagkakaroon ng bestfriend? Ewan ko. Kapag kailangan ko ng kaibigan, di ko alam kung sino ang tatakbuhan. Baka kasi makaistorbo ako . Ewan. Masaklap. Masakit. Oo, may mga kaibigan ako at mga close friend. Pero wala akong maturing na bestfriend eh. Siguro meron pero kulang. Kulang na kulang kasi alam mo yung feeling na tinuturing mo siyang bestfriend pero siya hindi? Parang one-sided love? Ikaw lang ang nagmamahal? In my case, ako lang ang nakakaalam na magbestfriend pala kami. Haha. If you're thinking that my life is very happy and almost perfect. Well you're absolutely wrong. Eventhough madami akong kaibigan, I still need my bestfriend. Kailangan ko ng bestfriend. Yung bestfriend talaga. Di ako iiwan at maiintindihan lahat ng reasons ko. Pagagalitan ako sa mga kalokohan ko pero dadamayan at ipagtatanggol ako. Habang pinapakinggan ko yung mga tao sa room namin, Haha. Ang saya nila. Ang ingay, puro tawanan, kantahan. Ako lang yata ang nagdradrama dito. Ako lang. Ako lang, nag-iisa.
--

After I wrote those words of drama, I called my closest friend and hugged her. And there, that time. I cried in her arms. And my friends didn't even cared about me. They didn't even bother to ask why I cried. Huh, they really love me. Do you get now? Kung gaano ko kagusto ng bestfriend?

Maybe the girl I hugged, maybe. She'll be the one I have been looking for. Maybe. And I hope so. *fingers crossed*








Entry  03
January 27, 20xx

Unang una sa lahat at di huling huli, nais ko kayong batiin ng belated (hindi ko alam ito sa tagalog) Maligayang Pasko at Masayang Bagong Taon. Oo, alam ko ilang araw din akong di nagparamdam sa iyo aking minamahal na dyornal. Pasensya ka na sapagkat ako’y sobrang abala sa buwan ng Disyembre at kalahati ng Enero. Lubos akong humingi ng tawad. At di ko din maintindihan kung bakit ako nagsasalita dito ng purong wikang tagalog at hindi ingles at nagpapakahirap pa akong huminto hinto sa pagtataype nito para isipin ang bawat katumbas ng mga salitang aking naiisip sa wikang Filipino.

Ngunit iyo sanang patawarin dahil nagdurugo na ang aking ilong. (Wag kang O.A, di ito literal.) So I was saying, ano nga ba kasi ang sinasabi ko ? Wala . Dahil wala akong maisip. Okay. Fine. Talagang wala akong maisulat. Sorry naman . Sinusulat ko lang to para humaba ang paragraph na ito at para dumami ang number of words. Ganyan naman ang ginagawa ko at ng mga kaklase ko sa mga essays na pinapagawa sa amin sa school na 500 words ang minimum number. Ultimo numbers ay sinusulat namin in words. Example : Last December Twenty-Five Two Thousand Bla Bla. Oh diba ? Pampadami ng words at pampahaba ng essay. Be wise. J Street wise ! Luuh.
Ano bang ikwekwento ko ? Bahala na. Let’s start this.
--
Last week ay kailangan naming pumasok every Saturday para magpractice ng Noli Me Tangere. 8 AM ang start nun at badtrip. -_________- Kulang nanaman ako sa tulog niyan. 8-3 PM kasi yun. So, last week nga ay nagpractice kami pero 1 PM nagstart. Dapat kasi may lakad ako ng umaga kaso di yata kami nagkakitaan ng katagpo ko. Chaar. Sobrang badtrip ako nun di lang dahil napagastos ako para bumili at tumambay sa 7’11 . Di ka naman pweding tumambay dun ng walang binibili no ! Duh. Kundi dahil umasa ako. Ang sakit kayang umasa diba ? Yung tipong maghihintay ka sa wala ? Masakit diba ?  Kaya pumunta nalang ako sa bahay ng bestfriend ko. Dun ako tumambay at nagpicture picture kasama siya. At dahil nga makapal ang mukha ko ay nakikain na din ako. Wala kasi yung parents niya nun. At alam niyo ba ang ulam namin ?! Meat loaf na di luto ! Stool ! First time ko kumain ng ganun ! Ang awkward kainin dahil baka matae ako kasi di ako sanay kumain ng ganun at baka may mga bacteria (may masabi lang na sosyal) pa na naattach dun ! Pero thank goodness ay hindi naman ako natae.

May isa pa akong balita sa inyo ! May crush na ako ! Oh diba ? Sabi ko naman sa inyo ay dito lang ako sa storyang to magkakalovelife eh. Atleast may pag-asa di ba ? So yun nga, may crush na ako ! Di siya ganun kagwapo pero keri na. Haha. At may matindi pa akong pasabog ! Di pa man kami ay nahawakan ko na ang kamay niya ! Shoooooooocccckkkkkkks ! Hahahahaha ! Oyyy ! Di chansing yun ah ! Accidentally ! Okay ? Hahahaha ! Grabeeee. >/////////< Okay O.A na ako. XD




Nung isang araw naman ay nagtanong sa akin yung classmate kong guy, Sabi niya ‘Kadalasan BABAE ang mga PAASA.’ And I was like , What the ? Alam niya ba ang mga sinasabi niya ?! Helloooo ? Babae ang kausap mo at nangiinsulto ka ng babae sa harapan ko. Alam niyo yung feeling ? Parang boom ! Napakalaking kong paasa dahil babae ako. Duuuuh ! Wala nga akong lovelife eh. Di naman lahat ng babae ay paasa diba ? May mga flirt lang talaga. Kung paasa ang mga babae, bakit meron pa ding umaasa ? Tulad ko ? Di ba paasa din naman ang mga lalaki ? Magbibigay ng motibo, magpapakasweet, Text text, call call, i miss you, Blah blah and such. Anong tawag mo dun ?! Pssss. At tayo namang mga pinaaasa ay mga shungang umaasa. Stop it ! Masasaktan ka lang. I’m telling you. Kung gusto mo siya, fine. I’m not against with that an I don’t even care about that. Diyan ka masaya eh. Kung mababasa man ‘to ng kaklase ko (if ever ?) Kung di ka niya magustuhan at feeling mo umaasa ka na lang, wag mo namang ibunton samin ang galit mo dre. Tell her that. Wag sa akin. Dahil di naman ako ang nililigawan mo. Siya. S I Y A.






Entry 02
December 07, 20xx




Hello nanaman sayo Journal. Eto nanaman ako at nagsusulat sayo. Patuloy padin tong tinutuloy ni Author kahit di niya alam ang kahihinatnan. Bahala talaga siya diyan. Psssh. Badtrip ako ngayon kaya pasensya na kung ano man ang maisusulat ko dito. The Ef kasi mga tao ngayon eh. Sarap ichain saw. Ewan ko ba. Inis na inis ako sa mga
tao ngayon! Kahit nga sa sarili ko eh iritang irita na ako. Luuh, nababaliw na ako. Watcha Think? -______________- At dahil nga medyo kalma na ako ngayon dahil kausap na kitang journal ka ay magkwekwento na ako.

--

'Today is December 07, tuesday. The weather now is HOT. Literally hot. -_-' Ganyan ang isinusulat ko sa umpisa ng journal ko nung first year at second year highschool namin. Lahat yata ng entry ko may ganyan. Di mawawala yung date, day at siyempre pati yung weather. Paano ba naman kasi nakakatamad talagang magsulat sa journal lalo na't wala akong interest dun. Psh. Alam niyo ba ang ginagawa ko? Inaadvance ko yung pagsusulat o kaya naman kapg malapit nang icollect ay dun ko palang pupunuin
ang journal ko. Tsktsk. Anong point ko sa sinasabi ko ngayon? Wag mong ipilit kung di ka masaya. Sa mga may lovelife diyan at naghihintay. Makakarelate kayo sa sinabi
ko. Tama naman diba? Read between the lines. Bakit mo ipipilit ang sarili mo sa taong di ka gusto? Masasaktan ka lang. Or worse baka pati yung taong mahal mo ay
masaktan din. You don't want that to happen right? Why am I saying these things? Ewan. Feel ko lang sabihin. I just don't really know. Pakiramdam ko naghihintay ako kahit wala naman akong hinihintay. Weird right?


Enough of the drama thingy. Let's start this.


Ngayong araw na to ay siyempre late nanaman ako. Di naman masyadong late mga sakto lang. Pero thank goodness nanaman at wala yung teacher namin sa first subject. Kaya parteh parteh! Hahaha. Kanina, nagbigayan na kami ng gifts para sa monito monita namin. Oo, nakabili ako ng panty. -_____- Tinakbo ko pa mula samin hanggang palengke para lang mabili yun. So yun nga, ang natanggap ko ay isang pack ng napkin na mukhang bawas pa. Grabe din yung mga pinagbibigay ng mga kaklase ko. May push-up bra, brief na may picture sa gitna, pictures ng mga crush (nakakahiya ba yun? -____-) at ang da best any ang adult diaper! Solid! Tawa ako ng tawa nung nakita ko yun. Tig-isa pa sila ng monito niya. Kahiya hiya yun ah. Sinuot ng mga kaklase ko yung diaper at sa huli ginawang basahan. At dahil nga cleaner ako ay kami pa ang nagtapon nun. -_____-


At eto ang pinakadahilan kung bakit ako badtrip ngayong araw na to, nagtest kami sa next subject namin at wala kaming kaalam alam. It's not the usual surprise quiz. Paano ba naman namin masasagutan yun ng maayos eh di naman nagdiscuss. Ef, di porket mataas ang standards ng school namin ay masasagot na namin yun ng di dinidiscuss. Kung kaya pala namin eh di sana wala nang teacher sa school namin?! At ang dahilan ng pagkakaroon ng test ay dahil sa wala kaming white board marker. Sabi nga ng teacher ko sa isang subject, wag daw kami masyadong bumili ng chalks at markers dahil may ALLOWANCE daw na binibigay sa kanila. So, why blame us? -_______-


Pagkatapos ng test na yun ay badtrip na ako buong araw. Psh. Isa pang nakapagpabadtrip sa akin ay yung pagsabi ko sa classmate/kaibigan ko na gagawa ako ako ng story na ganito din ang way ng pagkakasulat. (Journal type) At aba sabi pa niya, impossible daw yun. Shete kung impossible yun eh ano tong ginagawa ng author ng walang kwenta kong storya. Feeling niya kasi alam niya ang lahat. Nakakainis na minsan. Eh gusto ko ganito eh, may magagawa ba siya. Gaya nga ng sinabi ko sa kanya kanina, 'Ano bang pakelam mo ha?!' kasalanan niya kung bakit ako nagsungit. Ipagkalat man niya yun. As if I care. I'm trying to control my temper despite na linalait niya yung gawa ko at idea ko. Di naman siya perpekto eh. Kaya please, wag nalang po sana makealam. Respect other's decision. Wag kang manghimasok dahil buhay niya yun. May buhay ka, yan ang guluhin mo.








Entry 01

December 06, 20xx

Okay so hello Journal. Sa mga panahong ito ay alam kong tinatype na ng Author nito ang walang kwentang storya ko. I don’t even know how to start this one. Wala tong prologue o ano pa man dahil nga Journal type ang storyang to. Yes, it’s just you and me. I’ll tell you all of my secrets pero dapat satin lang to ha ? I don’t know kung may magbabasa man nito or such. What I do really care is ginawa to ng author at nabuhay ako. Hahaha. Mabuhay ! Baka naman dahil sa storyang to ay finally magkalove life na ako. We don’t know right ?

So let me start this one. Alam kong di niyo pa ako kilala pero siyempre gaya ng mga storya dito sa wattpad ay kailangang magpakilala ng bida sa simula ng storya. May magagawa ba ako ? Eh ganito ang kalakaran dito eh. Anyways, fine magpapakilala na nga. I’m Sandra. Okay na yan. Do I need to say more ? Eh mukhang makikilala niyo din ako sa storya na ‘to. Kayo nalang bahalang humusga.
Let me begin my first entry here in my Journal with these..
--
Late na akong gumising ngayong araw na to. Well, kelan ba hindi ? Pagkatapos maligo ay plinantsa ko na yung uniform naming apat na magkakapatid. Pagkabihis, kain at lahat lahat ay pumasok na din ako sa school. Oo, alam kong late ako dahil 7 :05 na ako nakarating at 7 am naman ang klase namin. Good thing na absent ngayon ang teacher namin. Wew, that was close. Umupo nalang ako sa chair ko at nagmuni muni nalang muna. At boom! Oo nga pala. Wala pa akong assignment sa English subject namin. Pero keri lang yan. Gagawin ko nalang mamayang break time namin. So eto nanaman ako at walang magawa sa buhay. Kaya naisipan kong iupdate nalang ang story na ginagawa ko. Oh diba? Writer din ang beauty ko. Frustrated writer nga lang.
Lumipas na ang lahat ng subject sa umagang to. Kaninang Filipino time ay nanood lang kami ng Noli Me Tangere. Solid na black and white na movie. Sine Ginto pa. Wala lang, nakwento ko lang sa inyo dahil nabangag ako sa boses ni Maria Clara na natawag ko pang Maria Makiling sa di maipaliwanag na kadahilanan. Ang kadiring di Padre Salvi. At sa nakakaasar na kakornihan ni Ibarra. Tsss. Kasing korny ng kaklase kong inlab na sinayang pa ang masking tape ko para lang isulat yung banat niya at idikit sa locker ng bestfriend ko. Duh. Nakasulat kaya, ‘Kabayo ka ba?’ langya, kahit ako ang bigyan nun. Itatapon ko eh. Joke. Di naman ako kabayo ah! Kamukha ko na ba si Vice?! Pero hayaan na. Nagmamahalan ang dalawa eh. Tinawag pa akong bitter. Eh bakit ba? Ako nang di inspired. K Fine.
Ako ba ang may kasalanan kung bakit ako naging ganito? Kung sana ay di ako sinaktan at pinaiyak ng mga lalaking minahal ko noon chos! Haha. Edi sana di ako bitter ngayon. Haha. De, joke lang. At ito pa ang matindi! WALA DAW KAMING PROM! Isang katerbang sibuyas nga naman oh! Minsan na nga lang maghigh school eh! Ipagkakait pa sa amin yun. Di ko alam kung bakit ayaw ng mga kaklase kong magkaprom. Dahil walang date? Anong mapapala mo sa date? Sus. Kaartehan. Ayaw magdress? Edi magjeans ka. Problema ba yun? Trip mo yan eh. Walang basagan. Sabi nga ng kaibigan ko, edi kumain ka nalang sa prom! Dami nilang problema pre. Ewan ko ba. Wala na ngang prom last year, wala pa ngayon. Shemay naman oo. Bakit ba kasi ayaw pang iapprove ng DO. Sila ba ang magbabayad? -___________- I don’t get the point kung bakit di inapprove.
Ah! Meron pa pala. Bigayan na pala ng gifts bukas para sa monito monita. Something that will make you shy ang theme. At alam niyo ba ang wish ng nabunot ko? Panty daw. -___________- Shete. Bahala siya. Balak ko pa sanang ipalaminate kaso baka ako pa yung mapahiya. Di bale nalang. Haha. Ano kayang matatanggap ko bukas? Subukan lang nila akong bigyan ng napkin na may ketchup sa loob makikita nila. Something Yuckie na yun eh. Tsk. Ayus ayusin naman sana nila. Okay na sakin yung Hershey. Naku, nagabala pa sila nakakaHIYA naman. Oh diba? Something that will make me shy yun diba? Bwahaha. Oh I’m so great.
Speaking of masking tape a while ago. May pauso nanaman sa room namin. Magsusulat ng kung ano ano sa tape at ididikit kung san san. Sa ID, Chair, o kung san pa man yan. At dahil nga ako lang yata ang may masking tape sa room ay pinagpyestahan ang tape ko. Shemay. Mauubos na. Alam ba nila kung gaano ako kakrisis sa mga panahon ngayon. Pero hayaan na. Nangyari na eh. Nakiride nalang din ako at sa huli, isa na din ako sa nagsayang ng masking tape ko. -_-
--
Alam kong walang kwenta ang nangyari ngayong araw na ‘to. Ewan ko ba kay author.  Hintay hintay lang tayo. Baka sakaling.. alam mo na. Wala naman akong ginawa pagkauwi dahil natulog at kumain lang ako. Ay! Pinanood ko din pala si Liam :”> *Kung alam mo ang tinutukoy ko.*  . Nababanas na din ako sa text ng text sa akin na di ko kilala. Tsk. Di na uso magpakilala ngayon sa text. Eto karma ko eh. Bahala siya diyan di ko siya rereplyan.

P.S.
                Sana naman makabili ako ng panty bukas para sa monita ko. Alangan namang monito? Well, pwede din. At wala pa akong assignment sa Computer. One week na yata yun. Wala pa akong nagagawa. Katamaran ko talaga. -__________- 

No comments:

Post a Comment